Mabuhay!💜 PK Holdings Family extends its heartfelt appreciation to Ms. Richie Arceo for 15 years of dedicated service, loyalty, and unwavering malasakit.
Richie has been an integral part of our journey, consistently demonstrating professionalism, compassion, and a deep commitment to our success.
Our, Chairman Sir PMTugade expresses his sincere gratitude, recognizing that team members like Richie are the true pillars of PK Holdings’ success.💜
What will you miss the most in PK Holdings:
“Yung trabaho ko, passion ko talaga. Kaya bawat araw, naipaparamdam ko kung gaano ko naappreciate ang bawat moment. Ginagawa ko ang lahat para siguraduhing walang palpak na resulta. Siyempre, masaya rin ako sa mga activities natin tulad ng General Assembly, Halloween Party, at Christmas Party—mga pagkakataong mas lalo tayong nagkakabonding bilang isang team.”
Message to colleagues:
“Kailangan open-minded ka sa lahat ng maaaring mangyari—mapa-positive man o negative. Tanggapin mo lang sa sarili mo dahil walang taong perpekto. Sa pagkakamali, doon ka natututo, doon ka lalakas, at mas lalong mahuhubog ang iyong pagkatao. Dapat hindi ka balat-sibuyas, at maging tapat ka—lalo na sa sarili mo.”
Sa lahat ng katrabaho kong nakasama ko sa loob ng 16 years (12 years sa May), minsan may tampuhan, may pikunan—pero sa dulo, ayos pa rin. Basta maging open-minded lang at hindi sensitive. Tandaan: coordination and communication is the key to success.
Message to our Chairman, Sir PMTugade:
“Maraming-maraming salamat po, Sir, sa lahat ng biyayang ibinahagi ninyo sa akin mula pa noon. Sa halos tatlong dekada ng inyong pamumuno, salamat sa paggabay kung paano maging matatag bilang isang empleyado. Salamat sa guidance na nagturo sa akin na ‘wag salungatin ang agos, kundi sumabay sa daloy ng trabaho at proseso.”
“Para po sa pamilya ni Sir PMT, taos-puso rin ang pasasalamat ko. Kayo po ang inspirasyon ni Sir, at dahil sa inyo, naging inspirasyon din siya sa amin.”
Thank you Richie and we wish you all the best as you move to the next chapter. See you around! 💜